Laban sa iligal na droga, magiging madumi at madugo ayon kay Duterte

 

Kuha ni Jomar Piquero

Bagaman alam ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging madumi at madugo ang digmaan laban sa bentahan ng iligal na droga, may paalala pa rin siya sa mga nagsasagawa ng mga operasyon kaugnay nito.

Tiniyak ni Pangulong Duterte na suportado niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) pati ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang krusada laban sa iligal na droga at sa mga aksyong kailangan nilang gawin upang ito ay maisakatuparan.

Payo niya pa sa mga law enforcers, huwag matakot gawin ang kanilang tungkulin dahil tinatanggap naman niya ang ‘full responsibility’ para dito.

Gayunman, pinaalalahanan ni Duterte ang mga ito na kumilos pa rin alinsunod sa batas.

Ang binigay niya aniyang kapangyarihan sa mga pulis na maunang bumaril ay maari lang gamitin kung sa tingin nila ay nasa panganib ang kanilang buhay dahil sa pagpalag ng mga suspek na kanilang hinuhuli.

Sakali aniyang ang hinuhuli nilang suspek ay manglaban sa mga otoridad, doon lamang papasok ang kaniyang utos na “shoot to kill.”

Read more...