Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan, ipagdiriwang ngayon

 

Inquirer file photo

Gugunitain ng mga Muslim sa buong bansa ang pagtatapos ngayong araw, July 6, ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan, kung kailan araw-araw silang nagfa-fasting sa loob ng isang buwan.

Pambihirang pagkakataon ang nangyari ngayong taon dahil tumagal ang kanilang fasting sa loob ng 30 araw, dahil kadalasang 29 araw lamang ang itinatagal nito sa mga nagdaang Ramadan.

Inanunsyo ni Moro Grand Mufti Abu Huraira Udasan sa mga Pilipinong Muslim noong Lunes na ngayong araw ang kanilang magiging pagdiriwang ng Eid’l Fitr dahil hindi na nakita ng Southeast Asian network of astronomical observers ang crescent moon noong gabing iyon.

Pormal na ring nai-deklara ni Pangulong Duterte ang pagiging non-working holiday ng araw na ito para mas maipagdiwang ng mga Muslim ang mahalagang araw na ito para sa kanilang relihiyon.

Nag-anunsyo na rin ang Office of the Press Attache ng U.S. Embassy na sarado sila sa publiko ngayong araw ng Miyerkules para rin sa Eid’l Fitr.

Read more...