Pacquiao, pabor sa parusang bitay pero hindi sa divorce

 

Naghahanda na sa bago niyang trabaho bilang senador si Manny Pacquiao na ipinahayag ang kaniyang pag-suporta sa panunumbalik ng parusang bitay sa Pilipinas.

Para kay Pacquiao, nais niyang mabitay sa pamamagitan ng pagbibigti ang mga mahahatulan ng mabibigat na krimen.

Gayunman, sa ngayon ay hindi pa sang-ayon ang relihiyosong senador sa pagpapatupad ng divorce sa bansa.

Naniniwala kasi si Pacquiao na katulad lang naman ng divorce ang annulment na umiiral na sa bansa ngayon, pero kailangan pa aniya niya itong mapag-aralang mabuti.

Kabilang sa mga paghahandang ginagawa niya ay ang pagkabisado sa 1987 Constitution, bagaman posibleng hindi na niya ito kakailanganin dahil sa pagsusulong ng mga mambabatas na mapalitan ito ng mas akma para sa kasalukuyang panahon.

Nananatili naman ang paninindigan ni Pacquiao na mas priority niya ngayon ang trabaho bilang senador kumpara sa muling pagsabak sa ring.

Read more...