AFP, ayaw makialam sa isyu ng Metro traffic

 

Walang balak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mangialam sa problema sa trapiko na nararamdaman sa Metro Manila.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo Visaya, ipapaubaya na lamang niya sa Metro Manila Development Authority (MDMA) at sa Philippine National Police (PNP) ang pagresolba sa problema ng masikip na daloy na trapiko.

Nauna nang iminungkahi ang planong pagpapakalat sa lansangan ng mga sundalo para makatulong na mabawasan ang traffic.

Paliwanag ni Visaya, hindi pangunahing misyon ng AFP ang italaga sa lansangan at tumulong sa traffic.

Mandato umano ng AFP ang internal security operations lalo at nagpapatuloy ang kidnapping sa Mindanao.

Pero nauna ng sinabi ni Visaya, susuportahan naman ng AFP ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.

Read more...