Nasa yellow alert ang Luzon power grid ng isang oras – NGCP

PHOTO: Power distribution hub STORY:
INQUIRER.net file photo

MANILA, Philippines — Simula ng 3 p.m. ngayong Huwebes ay ilalagay sa yellow alert status ulit ang Luzon power grid, ayon sa National Grid Corporation of the Phils. (NGCP).

Ang yellow alert ay tatagal lamang ng isang oras o hanggang 4 p.m.

Itong nakaraang buwan 20 planta ng kuryente ang puwersahang natigil ang operasyon.

BASAHIN: WESM sususpindihin muna tuwing may power red alert – Marcos

Bukod pa dito, may isa pang planta na nagbawas ng kapasidad.

Sa kabuuan, ayon sa NGCP, 1369.3 megaWatts ang nawala  sa Luzon grid dahil sa aberya sa mga planta.

Dagdag pa ng NGCP, ang peak demand sa kuryente ngayon araw ay  13,818mW at ang available capacity.

Read more...