3 mataas na opisyal inilipat ng posisyon sa pagbalasa ng PNP

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed
Composite image from INQUIRER.net file photos

MANILA, Philippines — Epektibo ngayon araw ng Huwebes, Mayo 2, ang panibagong balasahan sa Philippine National Police (PNP).

Tinanggal si Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. bilang director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at itinalaga sa Area Police Command – Northern Luzon.

Pumalit sa kanya sa CIDG si Maj. Gen. Leo Francisco, na hinugot naman sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Si Brig. Gen. Matthew Baccay naman ang bagong director ng DIDM.

Maaaring tumaas ang ranggo ng tatlong opisyal dahil sa bago nilang posisyon.

Read more...