MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa mga nagbabalak na magpakabit ng mga solar power panel sa kanilang bahay.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan na dapat ay sa mga lehitimong kompaniya lamang bumili at magpakabit ng mga solar panel yung mga nais makatipid sa bayarin sa kuryente.
Aniya ang kagawaran ay may listahan ng accredited businesses na garantisado ang pagkakabit ng mga panel.
BASAHIN: Publiko hinikayat ni Sen. Lito Lapid na gumamit ng solar panels
BASAHIN: SBMA, target na makapagtipid ng 39 porsyentong power cost sa pamamagitan ng solar power systems
Aminado si Marasigan na dumami ang nagpapakabit ng solar panel bunga na rin ng napapadalas na pagnipis ng suplay ng kuryente dahil sa tumitinding pangangailan dulot naman ng napakainit na panahon.
Ayon kay Marasigan na mataas pa ang presyo ng mga panel at ang pagpapakabit nito dahil nauna na itong tinangkilik ng husto sa ibang mga bansa dahil sa makakatipid sa bayarin sa kuryente.
Dagdag pa nito na maaring bumaba ang presyo ng mga panel kung mas marami ang aangkatin.