39 na lugar makakaranas ng ‘danger level heat indices’ – Pagasa

PHOTO: Composite showing hot sky with animals
Composite image from INQUIRER.net file photos

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na 39 lugar sa bansa ang makakaranas ng “danger level heat indices” ngayon Huwebes.

Ayon sa inilabas na abiso ng ahensiya, ang mainit at maalinsangan na panahon ay epekto ng El Niño.

Sinabi ni weather specialist Aldczar Aurelio maari naman may ilang lugar na makaranas ng mahinang pag-ulan sa hapon at gabi.

BASAHIN: PAGASA sa publiko: Mahalaga na alam ang heat index sa lugar

BASAHIN: 60°C heat index naramdaman sa Casiguran, Aurora; pinakamainit ngayon taon

Maaring 48°C daw ang maitatalang pinakamataas na heat index at ito ay sa Pili, Camarines Sur, samantalang 47°C naman ang init sa Dagupan City, Pangasinan.

Eto naman ang mga heat index sa iba’t iba pang mga lugar:

Read more...