60°C heat index naramdaman sa Casiguran, Aurora; pinakamainit ngayon taon
Sa ikaapat na sunod na araw, nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na heat indices na nasa “extremely dangerous level” sa Casiguran, Aurora.
Kahapon, pumalo sa 60°C ang naitalang heat index sa naturang bayan.
Tinataya naman ng PAGASA na sa susunod na dalawang araw ay mababang heat indices na ang mararamdaman sa Casiguran.
Noong Mayo 24 naitala ang pinakamataas na heat index, 53°C sa San Jose, Occidental Mindoro.
Ang temperatura na 52°C pataas ay maituturing ng nasa “extreme danger” at delikado na para ma-stroke ang isang tao.
May 16 lugar sa bansa ang nakapagtala ng heat indices na 42°C – 45°C na nasa “danger” level naman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.