CHR-Calabarzon, iimbestigahan ang sunud-sunod na pagpatay sa mga drug suspects sa lalawigan

 

Inquirer file photo

Panghihimasukan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga kaso ng pagkamatay ng mga hinihinalang drug pusher sa lalawigan ng Quezon.

Ito ay matapos maalarma ang CHR-Calabarzon sa sunud-sunod na kaso ng pagkakapaslang sa mga hinihinalang tulak ng droga sa nakalipas na ilang araw lamang.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia-dela Pena, ng CHR-Calabarzon, sisimulan nila ang imbestigasyon sa lalaong madaling panahon.

Mula July 1 hanggang 3, umabot sa labintatlong suspected drug trafficker ang napaslang sa magkakahiwalay na raid sa mga bayan ng Lucena, Tayabas Pagbilao at iba pang lugar.

Samantala, ipapatawag ng provincial committee on justice and human rights ang ilang mga miyembro ng local na pulisya upang magbigay-linaw sa mga kaganapan sa likod ng mga insidente.

Plano rin ng Integrated Bar of the Philippines na hilingin ang paliwanag ng mga otoridad sa maraming kaso ng mga napapatay na drug suspects sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Read more...