Panukalang pagkakaroon ng National ID, muling binuhay sa Senado

 

Inquirer file photo

Muling binuhay ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagkakaroon ng national ID system sa bansa.

Layon ng Senate Bill 95 o ang Filipino Identification System, na mapag-isa na ang iba pang ID system sa bansa.

Ayon kay Trillanes malaking tulong ang kanyang panukala para sa mas makapagbigay serbisyo sa mamamayan, kasama na anti-crime at anti-terror campaign na kabilang sa pinaiigting ng administrasyong Duterte.

Sa Filipino ID, dagdag pa ng senador, ay makikita ang picture, pangalan, birth date, sex, gayundin ang serial number mula sa Philippine Statistics Office.

Bukod dito inihain din ni Trillanes ang iba pang priority measures gaya ng bagong Salary Standardization bill, dagdag sa SSS pension, dagdag sa old age pension para sa mga retiradong sundalo at iba pang uniformed service gayundin ang bagong Comprehensive Nursing bill.

Read more...