MANILA, Philippines — Mahigit 200 pounds per square inch ang presyon ng pagsirit ng water cannon na ginagamit ng China Coast Guard (CCG) at makikita ito dun sa pagkabaluktot ng railing ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon kay Commo. Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG ukol sa West Philippine Sea (WPS).
Huling ginamit ng CCG ang water cannon nitong Martes laban sa isang barko ng PCG habang nasa isang patrol mission kasama ang isang bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
At inaasan ng PCG na hindi pa titigil ang ganitong pag-atake sa mga PCG sa WPS.
BASAHIN: PCG, BFAR vessels binomba ng water cannon ng China Coast Guard
“Itinaas pa lalo ng Chinese Coast Guard ang tensyon [WPS] at ang tindi ng agresyon nito laban sa mga coast guard vessel. Ito ang unang pagkakataon na pwede nating sabihin na diretsong tinutok ang water cannon na may ganoong kalakas ng presyon na nakapagdulot ng structural damage,” sabi ni Tarriela sa Ingles.