MANILA, Philippines — Ngayon Araw ng Paggawa, binigyan pagpapahalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga sakripisyo ng mga manggagawang Filipino.
Kasabay nito, nangako ang pangulo na patuloy ang administrasyon niya sa pagsuporta at pagsulong ang kapakanan ng mga manggagawa para maiangat ang kanilang pamumuhay.
“Sa natatanging araw na ito, kinikilala natin ang mga mahalagang naiambag ng ating masisipag na mga lalaki at babae na may tapang at katatagan na siyang nagtulak sa pag-unlad ng buong bayan. Nagbibigay pugay rin tayo sa lahat ng. mga tayo nagtaas ng tinig para makamtan ang katarungang panlipunan, para maipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa, at matiyak na ang kanila pasisikap may mabigyan na sapat na halaga at kabayaran,” sabi ni Marcos sa Ingles.
Dagdag pa niya, patuloy din na itataguyod ng kanyang administrasyon ang dignidad at pantay na pag-trato sa hanay ng mga manggagawa alinsunod sa kanyang “Bagong Pilipinas” campaign.
Pangungunahan ngayon araw ni Marcos ang Labor Day celebrations sa Malakanyang sa pamamagitan ng pag-anunsiyo sa itatayong Workers’ Rehabilitation Center Complex ng Department of Labor and Employment (DOLE).