PCG, BFAR vessels binomba ng water cannon ng China Coast Guard

Ang ginipit at ginamitan ng water cannon na Philippine Coast Guard vessel malapit sa Scarborough Shoal. (SCREEN GRAB / PCG VIDEO)

MANILA, Philippines — Muling ginamitan ng water cannon ng China Coast Guard vessels ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) patungo sa   Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng PCG na ang kanilang barko at barko ng BFAR ay nasa resupply at maritime patrol missions nang maganap ang panibagong insidente kaninang umaga.

Ayon pa sa PCG, nakaranas ang Philippine vessels ng panggigipit  ng apat na CCG vessels at anim na Chinese maritime militia ships.

Sinabi na alas-9:53 ng umaga nang gamitan ng water cannon ng CCG ship, na may bow number 3305, ang hitting BRP Bankaw ng BFAR  may 12 nautical miles mula sa  Scarborough Shoal.

Samantala ang CCG-3105 at CCG-5303 ang magkabilaan na nagbomba ng tubig sa BRP Bagacay ng PCG.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, ang PCG spokesperson for the West Philippine Sea na napinsala ang kanilang barko at patunay ito nang paggamit ng puwersa ng China.

Pinabulaanan din niya ang pahayag ng China na napaatras ang dalawang barko ng Pilipinas.

 

Read more...