Napa-amin ni Senator Jinggoy Estrada ang Bell-Khenz Pharma Inc., sa pagbibigay ng mga insentibo sa ilang doktor na nagrereseta ng kanilang generic brand sa mga pasyente.
Humarap sa pagdinig ng Committee on Health, na pinamumunuan ni Sen. Christopher Go, si Dr. Luis Raymund Go, ang chairman at chief executive officer (CEO) ng Bell-Khenz Pharma.
Ngunit nilinaw ni Go sa pagsagot sa tanong ni Estrada, na limitado lamang sa medical education hanggang sa ibang mga bansa, bukod sa mga clinic equipment.
Pag-amin na rin ng doktor na nagbibigay din ng “trips abroad” at relo ngunit hindi “Rolex” ang tatak.
Itinanggi na lamang ni Go na nagbibigay sila ng cash at mamahaling kotse
MOST READ
LATEST STORIES