Paglipat sa Metro Manila ng Quiboloy child abuse case inirekomenda sa SC

METRO MANILA, Philippines — Inirekomenda ng  Office of the Court Administrator (OCA) sa Korte Suprema ang pag-apruba  sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na mailipat sa isang korte sa Metro Manila ang kasong sexual at child abuse na kinahaharap sa Davao City ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Court Administrator Raul Villanueva na hihintayin na lamang kung aaprubahan o ibabasura ng Korte Suprema ang kanilang rekomendasyon.

May kinahaharap na rin na kasong qualified human trafficking si Quiboloy sa isang korte sa Pasig City.

Una nang inanunsiyo ng DOJ ang kahilingan na mailipat ang mga kaso sa Davao City sa isang korte naman sa Quezon City.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad kay Quiboloy, na pinaniniwalaan na nananatili sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...