Bagyong Butchoy, lumakas

 

Lumakas pa ang bagyong Butchoy habang napanatili naman nito ang kaniyang bilis at direksyong tinatahak.

Huli itong namataan sa 1100 km kilometer Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan ganap na ala una ng madaling araw kanina.

Base sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA, may taglay itong 160 kilometers per hour na lakas ng hangin at pagbugso na aabot sa 195 kilometers per hour.

Inaasahang makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na nasa loob ng 600 kilometer radius ng bagyo.

Gayunman, wala pa rin namang itinataas na tropical cyclone warning signal sa anumang bahagi ng bansa.

Read more...