Publiko binalaan sa paggamit sa Office of the Vice President

Nagbigay babala ang opisina ni Vice President Sara Duterte sa publiko ukol sa paggamit sa kanila ng ilang grupo.

“Binabalaan ng Office of the Vice President ang publiko laban sa mga tao o grupo na ginagamit ang pangalan ng OVP, at nagpapakilala bilang konektado o empleyado ng OVP,” ang pahayag ng Office of the Vice President.

Pinaalahanan ang publiko na ang lahat ng transaksyon ay kailangan na isagawa sa lehitimong satellite offices ng OVP.

“Kung mayroon mang impormasyon sa anumang kaduda-dudang transaksyon na ginagamit ang OVP, mangyaring i-report ito sa OVP hotlines (If you have information on any suspicious transactions using the OVP, report it to OVP hotlines),” dagdag pa ng OVP.

Hinikayat din ang mga nabiktima na ng modus na makipag-ugnayan sa OVP o pormal na magreklamo sa lokal na istasyon ng pulisya.

 

Read more...