Makakabuti, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kung alam ng publiko ang heat index sa kanilang at ang mga sintomas ng epekto sa katawan ng mataas na heat indices.
Kasunod ito ng balala na magpapatuloy ang mataas na temperatura sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na buwan ng Mayo.
Paalala ni weather specialist John Manalo na kabilang sa mga sintomas ng epekto ng matinding init ay ang labis na pagpapawis, pagkapagod, pagkahilo, panlalabo ng paningin at heat exhaustion.
Aniya nakakabahala na kung aabot na sa pagssusuka dahil mangangailangan na ito ng aagarang atensiyong medikal.
Sinabi pa ni Manalo na may ilan na nawawalan pa ng malay kayat dapat aniya ay alam ng publiko ang heat index sa kanilang kinaroroonan.
Paalala lang nito nito na ang heat indices na 41 °C hangga 51 °C ay nasa “danger category” at maaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion
Samantala, ang heat indices naman na 52 °C pataas ay ikinukunsiderang “extreme danger” at ang pagkakabilad sa araw ay maari ng humantong sa heat stroke.
Noong nakaraang araw ng Linggo, naitala ang 53 °C heat index sa Zambales, ang pinakamataas ngayon taon.