Pinoy seamen ban sa cruise shi na naglalayag sa Red Sea, Gulf of Aden

Ipinagbawal muna ng Department of Migrant Workers ang pagpapadala ng Filipino seafarers sa mga barko na dumadaan ng Red Sea at Gulf of Aden.

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapadala ng mga Filipino seafarers sa cruise at passenger ships na naglalayag sa Red Sea at sa Gulf of Aden.

Ipinalabas ni acting Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac at Department Order No. 2 at aniya agad itong epektibo.

Inatasan ang lahat ng licensed manning agencies (LMAS) na tiyakin na walang Filipino seafarers ang makakasakay sa mga barko na naglalayag sa naturang rehiyon.

Ang hakbang ay bunsod  nang pagkakasama ng Red Sea at Gulf of Aden sa listahan ng “High Risk Areas” at “War-like Zones” ng International Transport Workers’ Federation (ITF) at International Bargaining Forum (IBF).

Ipinasusumite ang “itinerary of the vessel” kasama ang employmen contract sa mga dokumento na regular na hinihingi ng DMW.

“The seafarers to be assigned to passenger/cruise ships are likewise required to affix their signatures to indicate their concurrence to the said affirmation letter, confirming knowledge that the vessel they will be boarding will not traverse the aforementioned WOAs (War-like Operations Areas),” ang nakasaad sa DO.

 

Read more...