Pinangunahan ng mag-inang Senators Cynthia at Mark Villar ang pagbubukas ng C-5 Extension- Quirino flyover sa Las Piñas.
Nakasama ng mga Villar ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inaasahan na mapapagaan ng bagong imprastraktura ang trapiko sa Quirino dahil ito ay nag-uugnay na sa C-5 Extension sa Cavitex at vice versa.
Malaking ginhawa din ito para sa mga motorista na patungo at nagmula sa Ninoy Aquino International Airport at Parañaque City, partikular na sa Sucat Road.
Nabatid na Setyembre 2020 nang masimulan ang proyekto sa ilalim ng pangangasiwa ng nakakabatang Villar, na noon ay kalihim pa ng DPWH at ito ay nagkakahalaga ng P300.39 milyon.
MOST READ
LATEST STORIES