VP Sara: Thank you for the trust, Mr. President

Inaasahan ang pag-uusap nina Pangulong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte hinggil sa mga isyu sa bansa.

Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa patuloy na pagtitiwala nito sa kanya.

“Maraming salamat, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa patuloy na pagtitiwala sa akin bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” sabi ni Duterte sa inilabas niyang pahayag.

Tiniyak ni Duterte na patuloy niyang itataguyod ang kapakanan ng mga mag-aaral sa bansa.

“Makakaasa po kayo na ang DepEd, na binubuo ng ating mga guro at non-teaching personnel, ay patuloy na maglilingkod nang tapat para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral,” dagdag pa ng kalihim.

Kahapon, sinabi ni Marcos na walang dahilan para alisin niya si Duterte sa DepEd.

Aniya kakausapin niya ito matapos maisapubliko ang galit ni First Lady Liza Araneta-Marcos kay Duterte.

Una na rin sinabi ni Duterte na kakauspain niya si Marcos dahil sa mga kasalukuyang seryosong isyu sa bansa.

 

Read more...