Paspas na tulong sa mga biktima ng kalamidad inihirit ni Sen. Alan Cayetano

Awtomatikong papasok sa 4Ps ang mga naghirap dahil sa mga sakuna, trahedya at kalamidad.

Kinilala ni Senator Alan Peter Cayetano ang matinding pangangailangan na agad mabigyang tulong ang mga biktima ng anumang uri ng kalamidad.

Aniya nararapat na makatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng pagbaha, bagyo, sunog at lindol.

Paliwanag niya ang isinusulong niyang Senate Bill 302 o ang 4Ps for Disaster Victim Act ang magpapatibay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Noon pang Hulyo ng nakaraang taon niya inihain ang panukalang batas at sa susunod na Martes ay matatalakay na ito ng Committe on Justice, Social Welfare and Development.

Dagdag pa niya ang mga biktima ng kalamidad o sakuna naghirap ay awtomatikong ipapasok ng 4Ps.

Read more...