Sen. Jinggoy Estrada inhirit na madagdagan ang kapasidad ng PGH

Nais ni Estrada na magkaroon ng 1,200 bed capacity ang PGH at kumuha ng mga karagdagang doktor, nurse at iba pang medical personnel. (FILE PHOTO)

Hiniling ni Senator Jinggoy Estrada na madagdagan ang kapasidad ng Philippine General Hospital (PGH) hanggang 2,200.

Gusto din ni Estrada na madagdagan ang mga kawani at pagbabago sa serbisyo ng pangunahing pampublikong ospital sa bansa.

Inihain ng senador ang Senate Bill  No. 2634 noong Abril 15.

Katuwiran nito umaabot sa 600,000 pasyente ang pinagsisilbahan ng PGH kada taon at ilang dekada nang isyu ang “overcrowding” at matagal na paghihintay ng mga pasyente.

Puna nito, sa magkasunod na insidente ng sunog sa PGH ay muling nagpamulat sa kondisyon ng ospital.

“Investing in people’s health is important in order to provide ordinary Filipinos greater access to world-class and affordable tertiary hospital care,” aniya.

 

Read more...