Pinabulaanan ni PNP Chief Rommel Marbil na “usad pagong” ang paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Marbil na tumutulong ang pambansang-pulisya sa National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahanap sa nagtatag sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Ayon pa sa hepe ng pambansang pulisya may istratehiya sila para matunton ang pinagtataguan ni Quiboloy.
Unang sinabi ni Sen. Risa Hontiiveros na nababagalan siya sa paghahanap kay Quiboloy, na may arrest warrants para sa mga kasong child abuse at human trafficking.
Inisyu ng mga korte sa Davao City at Pasig City ang warrants of arrest para kay Quiboloy.
MOST READ
LATEST STORIES