Pinawi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga pangamba sa suplay ng bigas sa bansa dahil sa epekto ng El Niño.
Sinabi ni Marcos na ang sapat na suplay ng pangunahing butil sa bansa ay dahil sa pagsasaayos ng sistema ng irigasyon at mga makabagong pamamaraan.
“Kung ang pag-uusapan natin ay bigas, sapat naman ang ating supply. Hindi kailangang mag-alala ang mga tao. Sa katotohanan, ‘yung mga area na may patubig, tumaas pa ‘yung ating naging ani, ‘yung tons per hectare natin,” ani Marcos.
Pag-amin na lamang nito may mga lugar na isyu ang irigasyon.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na ang isang solusyon ay ang paglalagay ng solar-power irrigation system at pagpapatayo ng mga dam.
Binisita kanina ni Marcos ang mga natuyong taniman sa Occidental Mindoro at personal na nasaksihan ang epekto ng matinding tag-tuyot.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng state of calamity ang naturang lalawigan.