Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na susuportahan niya ang ipapasang dagdag-sahod ng Kamara sa mga manggagawa.
Una ng nakapasa sa Senado ang P100 legislated wage hike, samantalang sa Kamara ang panukala ay P350 dagdag-sahod.
Ayon kay Estrada kukumbinsihin niya ang mga kapwa senador na suportahan na lamang din ang ipapasang panukala sa Kamara kung ito ay mas mataas ang halaga.
Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Labor and Employment handa siyang makipag-usap sa mga mambabatas sa Kamara para maipasa ng ang panukalang dagdag-sahod.
Apila na lamang din ni Estrada sa mga kongresista na timbangin din ang interes ng mga negosyante kung kakayanin ang mataas na pagtaas sa sahod ng mga manggagawa.
Hindi din aniya makatuwiran na bigyan ng maling pag-asa ang mga manggagawa.