Partial closure ng Kamuning fly-over simula sa Mayo 1

Nagtalaga ang MMDA ng mga alternatibong madadaanan ng mga motorista na maaapektuhan ng pagsasara ng souith-bound portion ng Kamuning flyover.

Sa darating na Mayo 1 ay isasara pansamantala ng anim na buwan ang bahagi ng Kamuning fly-over sa Quezon City para sa kinakailangan na rehabilitasyon.

Ito ang inanunsiyo ni acting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes.

“Even though the flyover will be partially closed during the rehabilitation, it will still be passable to public utility buses on the EDSA bus carousel,” ani Artes.

Ginawa ng opisyal ang anunsiyo matapos makipagpulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Patitibayin ng DPWH ang fly-over sa pamamagitan ng by-phase retrofitting simula sa Abril  25.

Dagdag pa ni Artes magsasagawa sila ng clearing operations sa mga alternate routes para sa inaasahang pagbigat ng daloy ng mga sasakyan sa lugar.

as part of the measures to strengthen the bridge.

 

Read more...