19 sasakyan nasunog sa parking lot ng NAIA Terminal 3

Ilan sa 19 sasakyan na natupok dahil sa “grass fire.”sa parking lot extension ng NAIA Terminal 3. (MIAA PHOTO)

Sa mga talahib itinuturong nagsimula ang sunog na tumupok sa 19 sasakyan sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang hapon.

Sinabi ni acting Manila International Airport Authority (MIAA) Gen. Manager Eric Ines na ang unang ulat sa kanila ay may nasusunog na isang sasakyan.

Aniya dahil sa hangin ay agad na nadamay na ang iba pang mga sasakyan kahit mabilis na dumating ang mga pamatay-sunog.

Hindi naman aniya naapektuhan ang flight operations sa lahat ng terminals ng NAIA.

Nabatid na ala-1:35 ng hapon nang mapaulat ang sunog sa Pasay City Fire Department at naapula ito ng alas-2:05 ng hapon.

 

Read more...