Lumang simbahan sa Isabela nasunog

Ang nasunog na bahagi ng St. Ferdinand Parish Church sa Ilagan City, Isabela. (ILAGAN DIOCESE 5OTH PHOTO)

Tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng  Saint Ferdinand Parish Church sa Ilagan City, Isabela.

Isang tricycle driver ang unang nakakita sa usok sa bubungan ng simbahan sa Barangay Bagumbayan.

Nabatid na ang simbahan ay kabilang sa “heritage churches” sa bansa.

Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.

Wala pa rin opisyal na pahayag ang pamunuan ng simbahan kaugnay sa insidente.

 

 

Read more...