Hindi pagbawi ng PNP sa guns’ licenses ni Quiboloy pinuna ni Hontiveros

Hindi makapaniwala si Sen. Risa Hontiveros sa katuwiran ng PNP sa hindi pagbawi ng lisensiya ng mga baril ni Pastor Apollo Quiboloy. (INQUIRER PHOTO)

Hindi makapaniwala si Senator Risa Hontiveros sa pagtanggi ng Philippine National Police (PNP) na bawiin ang lisensiya ng mga baril ni Pastor Apollo Quiboloy.

Diin ni Hontiveros pinaghahanap na ng pulisya si Quiboloy dahil sa warrants of arrest para sa mga kasong may kinalaman sa child abuse at human trafficking.

Paliwanag ng senadora nakasaad sa implementing rules and regulations (IRR) ng PNP, kailangan na bawiin ang lisensiya sa baril ng isang indibiduwal kung siya ay nahaharap sa kasong kriminal na may kaparushaan na higit dalawang taon na pagkakakulong.

Puna nito, malinaw na taliwas ito sa katuwiran ng pambansang pulisya na ang kanilang pagtanggi ay naaayon sa batas.

“Huwag nang magdahilan ang PNP. Kung talagang kasangga namin sila sa pagpapanagot sa mga pambabastos ni Quiboloy sa ating mga institusyon, dapat ginagawa nila ang lahat para mahuli siya,” sabi pa ni Hontiveros.

 

Read more...