Dagdag-bawas muli ang magiging paggalaw ng mga produktong-petrolyo bukas, Abril 23.
Mababawasan ng P0.90 ang presyo ng kada litro ng krudo o diesel, samantalang tataas naman ng P0.55 kada litro ng gasolina, base sa anunsiyo ng ilang kompaniya ng langis.
Magmumura naman ng P1.10 kada litro ang halaga ng kerosene.
Ang paggalaw sa mga presyo ay bunga ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, maging ang bumababang halaga ng piso kontra sa dolyar ng Amerika.
Bumaba din ang pangangailangan sa langis sa US at China.
MOST READ
LATEST STORIES