Sa paglipas ng mga araw, patuloy na lumulubo ang halaga ng pinsala dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Base sa Bulletin No. 7 ng Department of Agriculture (DA) dahil sa El Niño, P3.34 bilyon na ang halaga ng pinsala sa sa 11 rehiyon.
Bunga nito, 73,713 magsasaka at mangingisda na ang apektdo.
“The latest El Niño bulletin estimates damage and losses to farms in 11 regions: Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region and Soccsksargen at P3.94 billion,” ang mababasa sa bulletin na may petsang Abril 19.
Aabot naman sa 98,243 metriko tonelada ng palay, 40,195 MT ng mais, at 24,102 MT ng high-value crops (HVC) ang naapektuhan sa apektadong 66,065 hektarya ng taniman.
Ang apektadong 43,659 hektarya ng taniman ng palay ay 2.04 porsiyento ng kabuuang 2,137,046.77 hektarya ng taniman.
Samantala, ang kagawaran ay nakapamahagi ng ng P1.09 bilyong halaga ng ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.