Nagkasundo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ang European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) para sa nagkaisang adbokasiya sa paggamit ng renewable energy sa Pilipinas.
Ang hakbang ay magiging daan para madagdagan ang suplay ng kuryente at energy generation.
Ang pagpirma sa kasunduan ay pinangunahan nina NGCP President and CEO Anthony Almeda. ECCP President Paulo Duarte, Florian Gottein, Executive Director, Committee Co-Chairpersons for Renewable Energy and Energy Efficiency Atty. Jay Layug at Ruth Yu-Owen, Katt Baligod, Manager for Industry and Government Affairs, at Chin Nethercott, Advocacy Officer.
Sa bahagi ng NGCP, nangako ito ng kanilang kahusayan, paggabay at suporta para sa matagumpay na pagkasa ng renewable energy projects.
“We are honored to partner with the European Chamber of Commerce of the Philippines in advancing the development of renewable energy in our country. This is a testament of our shared commitment to fostering innovation and sustainability in the energy landscape,” ani Almeda.