PBBM sa relasyon sa Dutertes: It’s complicated!

 Walang nagbago sa relasyon namin ni Inday Sara, sabi ni Pangulong Marcos Jr. (FILE PHOTO)

Komplikado, pag-amin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanyang relasyon sa pamilya Duterte, maliban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Marcos halos walang nagbago sa relasyon nila ni Inday Sara simula noong pangangampaniya halos dalawang taon na ang nakakalipas.

Aniya sa kabila ng mga kontrobersiya, nakatuon lang ang atensyon ni Duterte sa mga trabaho.

“How we were with each other during the campaign, after the election, it hasn’t really changed,” ani Marcos at dagdag pa niya:  She says, ‘I’ll just work. Don’t worry about it. I’ll just work and work and work and work. That’s her attitude.”

Ukol naman sa relasyon niya sa iba pang miyembro ng pamilya Duterte, isinalarawan na lamang ito ni Marcos na komplikado.

Natanong ang Punong Ehekutibo sa isang news forum ukol sa kanyang relasyon sa mga Duterte matapos ang mga banat sa kanya ukol sa ilan sa kanyang mga polisiya.

 

 

Read more...