Revilla sinabing dapat managot ang Maynilad sa “sink hole” sa Pasay City

Nais ni Sen. Bong Revilla na papanagutin ang Maynildad sa nangyaring sinkhole sa Pasay City. (FILE PHOTO)

Sinabi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na dapat na managot ang Maynilad sa sinkhole sa Sales Road sa Pasay City.

Unang iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang tumagas na tubo ng Maynilad ang nagdulot ng sinkhole.

Lubhang delikado sabi ni Revilla ang sinkhole dahil ang lawak nito ay dalawang metro, samantalang ang lalim naman ay umaabot sa walo hanggang 10 talampakan.

“Dapat mapanagot ang Maynilad at ang mga contractors nila dito. This poses great danger lalo na sa mga motorista at kung hindi agad nakita at napabayaan baka pati sa mga residential properties at buildings sa area,” sabi ng senador.

Nakakabahala din dahil ang butas ay malapit sa pundasyon ng NAIAX elevated highway.

Nararapat lamang aniya na papanagutin ang Maynilad para maging responsable sa maaring idulot ng kanilang serbisyo.

“Hindi puwedeng hayaan lang na ire-repair tapos wala na. Hindi yun accountability. Dapat may managaot para magsilbing daan ito para sa proactive ang mga service providers sa projects nila,” diin ni Revilla.

Read more...