Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na malinaw na maraming Filipino ang pumapabor na maibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Aniya base ito sa resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan 69 porsiyeno o halos pito sa bawat 10 Filipino ang pabor sa mandatory ROTC.
Si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nag-komisyon sa survey, na isinagawa noong nakaraang Disyembre 3 hanggang 7.
Ngunit mababa ito sa 78% na pumabor sa kinomisyon naman na survey ni Gatchalian noong Marso 15 hanggang 19, 2023.
“Naniniwala ako na sa pamamagitan ng programang ito, matuturuan natin ang ating mga kabataang maging disiplinado at matatag, lalo na sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng ating bansa pagdating sa seguridad,” ani Gatchalian, na co-author at co-sponsor of Senate Bill No. 2034 o ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act.
Layon ng panukala na mapagtibay ang mandatory Basic ROTC Program sa mga unibersidad at kolehiyo gayundin sa Technical Vocational Institutions (TVIs).
Dagdag pa ni Gatchalian gagawing prayoridad sa plenary interpellation ang ROTC Act sa pagbabalik ng sesyon sa Senado.