Go suportado ang grassroots sports development

Napakahalaga ng grassroots sports development sa mga kabataan, diin ni Sen. Bong Go.                                                                                                        (OSBG PHOTO)

Sinabi ni Senator Christopher “Bong” Go na napakahalaga ng “grassroots sports development” para sa kinabukasan ng mga kabataang Filipino.

Sa kanyang pagdalo sa Romblon Provincial Athletic Meet 2024 sa bayan ng Cajidiocan, sinabi ng senador na epektibong daan ang sports para sa youth empowerment.

Diin pa ni Go, sa pamamagitan ng sports ay nailalayo ang mga kabataan sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at napapagbuti ang kanilang kondisyon, pangangatawan at kaisipan.

Pinuri niya ang mga bata at kabataang atleta na bahagi ng kompetisyon, gayundin ang mga guro, coaches at trainers sa kanilang paghubog at paggabay sa mga tinaguriang kinabukasan ng bayan.

Binanggit din ni Go ang mga naiakda niyang panukala na naging ganap na batas, tulad ng RA 11470, naging daan para sa pagpapatayo ng National Academy of Sports sa New Clark City, Tarlac.

Sinabi din niya ang inihain niyang Senate Bill No. 2514 o ang isinusulong na Philippine National Games Act, na ipinaliwanag niya ay layon na mapagtibay ang national sports program ng bansa hanggang sa mga kanayunan.

Read more...