Pilipinas, US at Japan nagkasundo sa pagbabantay sa Indo-Pacific region

Ang tatlong lider sa kanilang pulong sa US.                 (PCO PHOTO)

Nagpanday ang Pilipinas, Amerika at Japan ng mas matibay na kooperasyon para sa proteksyon sa Indo-Pacific Region.

Sa pahayag ng Malakanyang, ang matibay na kooperasyon ay bunga ng makasaysayang kauna-unahang trilateral summit nina Pangulong Marcos Jr., US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa White House.

“Biden and Kishida, in the historic summit, forged a stronger trilateral alliance with the Philippines as they vowed to protect the Indo-Pacific region,” ani Communications Sec. Cheloy Garafil.

Sa mensahe ni Marcos, sinabi nito ang samahan at pakikipag-kaibigan ng Pilipinas sa US at Japan ay binibigkis ng isang adhikain – ang respeto sa demokrasya, maayos na pamamahala at pagsunod sa mga batas.

“It is a partnership, borne not out of convenience nor of expediency, but as a natural progression of deepening relations and robust cooperation amongst our three nations, linked by a profound respect for democracy, good governance, and the rule of law,”  sambit ni Marcos kina Biden at Kishida.

“Facing the complex challenges of our time requires concerted efforts on everyone’s part, a dedication to a common purpose, and unwavering commitment to the rules-based international order. This is a meeting that looks ahead,” dagdag pa niya.

Nabanggit din ni Marcos na ang trilateral summit ay simula lamang dahil sa mga darating pang oportunidad.

 

Read more...