Bato duda na madali na mahuhuli si Pastor Quiboloy

Kaibigan ko si Pastor Apollo Quiboloy at marami siyang maaring pagtaguan, sabi ni Sen. Bato dela Rosa.                                                                (INQUIRER PHOTO)

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na magiging madali ang paghuli kay Pastor Apollo Quiboloy.

Aniya kung talagang nagtatago na si Quiboloy ay mahirap na itong mahanap dahil madami itong maaring mapagtaguan sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Diin niya hindi lamang sa Davao maaring magtago ang nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil madami itong kaibigan.

Sinabi pa ni dela Rosa na bagamat kaibigan niya si Quiboloy ay hindi niya alam ang kinaroroonan nito, maging ang malalapit na kaibigan ng huli ay nagsabi na matagal na nilang hindi nakikita ang pastor.

Una nang ipinag-utos ng isang korte sa Davao City ang pag-aresto kay Quiboloy dahil sa mga kasong child at sex abuse.

Kahapon, pinandigan na rin ng isang korte sa Pasig City ang warrant of arrest para kay Quiboloy at sa limang iba dahil naman sa kasong qualified human trafficking, na walang piyansa.

Read more...