Isang porsiyento ang ibinaba ng employment rate sa bansa noong Pebrero, ayon sa Philippine Statisitics Authority (PSA).
Mula sa naitalang 4.5% noong Enero, naging 3.5% na lamang ang unemployment rate noong Pebrero.
Nangangahukugan na noong Pebrero, nay 1.8 milyon na edad 15 pataas sa bansa ang walang trabaho.
Mas mababa ito sa naitalang 2.47 milyon noong Pebtero 2023 at 2.45 milyon noong Enero ngayon taon.
Noon din Pebrero, 96.5 porsiyento ang employment rate sa bansa mula sa 95.5 porsiyento noong Enero.
May katumbas ito na 48.95 milyon mas mataas sa 48.80 milyon noong Pebrero 2023 at 45.94 milyon noong Enero.
MOST READ
LATEST STORIES