Piloto, trainee patay sa Navy training chopper crash sa Cavite

Ang bumagsak na Robinson R44 training aircraft ng Philippine Navy.                                                                                                                     (CONTRIBUTED PHOTO)

Kumpirmadong nasawi ang piloto at isa pa sa pagbagsak ng isang training helicopter ng Philippine Navy (PN) sa Cavite City.

Sinabi ni AFP spokesperson, Col. Francel Padilla ala-6:30 ngayong umaga nang maganap ang trahedya sa likod ng Cavite City Public Market.

Aniya isang Robinson R22 helicopter na ginagamit na training aircraft ng PN ang bumagsak ilang metro na lamang sa Naval Station Sangley Point.

Nahugot pa ang dalawang sakay ng naturang helicopter ngunit kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital.

Nagsasagawa na ng emergency landing ang piloto nang bumagsak ang helicopter.

Nagsasagawa  na ng imbestigasyon ang PN sa pangyayari.

 

Read more...