Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan

meralco2Nakatakdang magpatupad ng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo ang Meralco.

Sa abiso ng Meralco mayroong 34 centavos kada kilowatt hour na pagtaas sa generation charge.

Gayunman, magkakaroon ng bahagyang kaltas sa transmission charge.

Dahil dito, sa kabuuan, magpapatupad ang Meralco ng dagdag na 29 centavos kada kilowatt hour sa kanilang singil.

Epektibo ang dagdag singil na ito ngayong buwan ay mare-reflect na sa July bill ng consumers.

Para sa mga consumer na ang konsumo sa kuryente kada buwan ay 200 kilowatt hour, nasa P58 ang dagdag-singil sa bill; P87 naman ang dagdag sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour, P116 kung ang konsumo ay 400 kilowatt hour at P145 ang dagdag sa bill kung ang konsumo at 500 kilowatt hour.

Noong nakaraang buwan ng Hunyo, mayroong ipinatupad na bawas singil ang Meralco.

Nagtapyas ang Meralco ng 16 centavos kada kilowatt hour sa generation charge na katumbas ng P26 hanggang P52 na kabawasan sa bill ng consumers depende sa kanilang konsumo sa kuryente.

Read more...