Anti-Political Dynasty bill, muling binuhay sa Kamara

phl_congressPormal nang inihain ni House Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr. ang panukalang batas para sa pagbuwag sa mga political dynasty sa Pilipinas.

Sa ilalim ng House Bill 166 o Anti-Political Dynasty Bill, napapanahon nang magkaroon ng pantay na oportunidad sa paglilingkod sa mga mamamayan.

Nakasaad sa panukala, hindi pahihintulutan na magkasabay na tumakbo ang magkakamag-anak na lagpas sa 2nd degree of consanguinity sa isang eleksyon.

Nasusulat pa ng panukala na ang bawat kandidato ay kailangang magsumite na sinumpaang salaysay sa Commission on Elections, kung saan nakasaad ang relasyon nito sa sinumang incumbent na opisyal na tumatakbo rin sa halalan.

Noong 16th Congress, nakalusot ang Anti-Political Dynasty bill sa committee level, pero bigong magpagtibay sa plenaryo.

Samantala, inihain na rin ni Belmonte ang House Bill 15 na naglalayong itaas ang halagang uubrang gastusin ng mga kandidato tuwing eleksyon.

Mula sa kasalukuyang 10 pesos para sa bawat botante, nakasaad sa panukala ni Belmonte na itakda na sa 50 pesos ang maaaring gastusin ng mga kandidatong Presidente at Bise Presidente.

Gusto rin ni Belmonte na mula sa 5 pesos kada botante, maitaas na sa 30 pesos ang pwede gastusin ng partido politikal per voter.

 

Read more...