Senate reso sa Digong-China WPS agreement walang sapat na basehan – Tol

Sinabi ni Sen. Francis Tolentino na walang basehan para maimbestigahan sa Senado ang pakiikipag-kasundo ni dating Pangulong Duterte sa China.

Naniniwala si Senator Francis Tolentino na hindi sapat na basehan ang laway lang para maimbestigahan sa Senado ang sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Duterte at China ukol sa isyu sa Ayungin Shoal.

“I don’t think there is, with all due respect, a sound basis for that considering that the Vienna Convention on the Law of Treaties is very specific – an agreement has to be in writing,”  ani Tolentino patukoy sa gagawing pagdinig sa Senado.

Unang naghain ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros para maimbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang sinasabing kasunduan.

Aniya kung totoo na nagkaroon ng kasunduan, ngunit ito ay napag-usapan lamang, wala magiging basehan para maimbestigahan ang isyu.

Si dating presidential spokesman Harry Roque ang nagsabi na pumasok sa “gentleman’s agreement” si Duterte sa China upang hindi na magambala ang pagsasagawa ng resupply missions sa BRP Sierra Madre na isinadsad sa Ayungin Shoal.

Ang Malakanyang ay nagsabi na kung mayroon talagang kasunduan, hindi ito kinikilala ni Pangulong Marcos Jr.

 

 

 

Read more...