Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tapusin ang lahat ng mga proyekto sa itinakdang deadline.
Kasabay ito nang pagpuri ni Marcos sa ahensiya sa pagtatapos ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230kV project,
“We must recognize NGCP for the successful completion of this CNP. The completion of this project is a milestone in our pursuit to enhance the resilience and reliability of our power infrastructure, especially in this area,” sabi ni Marcos sa kanyang mensahe sa inagurasyon ng proyekto sa Bacolod City.
Sinabayan ito ng ceremonial energization sa Barotac Viejo Substation sa Iloilo, at Magdugo Substation sa Cebu ng NGCP.
Ayon pa sa Punong Ehekutibo tunay na kapuri-puri ang nagagawa ng NGCP dahil malaki ang naitutulong sa programa ng gobyerno na magkaroon ng elektrisidad sa lahat ng bahagi ng bansa.
Kumpiyansa si Marcos na sa pagtatapos ng proyekto magdudulot ito ng ibayong pag-unlad sa Western at Central Visayas Regions, na may kabuuang P2.24 trilyon ambag sa ekonomiya ng bansa noong 2022.
”This will bolster energy sufficiency and sustainability in Negros and Panay. We have taken a big step today when we opened this transmission and distribution network, making this more attractive to other private investors come in to help us with a problem and to bring their own capacities to improve the transmission lines, even the power generation,” punto niya.
Binanggit din niya ang bahagi ng mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga pribadong nagmamay-ari ng mga lupa sa pagbibigay ng permits at usapin ukol sa right of way (ROW).
“This project serves as a testament to the fruits that we can all harvest if we continue to work together to drive our nation’s energy agenda and forge a more sustainable future for the Filipino people,”dagdag pa ni Marcos.
Ayon naman kay NGCP AVP Cynthia Alabanza, ang namumuno sa Public Relations Department, may mas maaasahan na ang Visayas tuwing may isyu sa suplay ng kuryente sa Visayas dahil sa CNP project.
“Pero hindi lang tayo diyan dapat nakasalalay. Kailangan natin ng mas maraming stable power supply in each island para maiwasan na ang blackout,” aniya.