Data leak sa National ID system pinabulaanan ng PSA

Fake news, ayon sa PSA, ang social media posts sa data breach sa National ID system.

Pinasinungalingan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kumakalat na posts sa social media ukol sa “data leak” sa National ID system.

Sa inilabas na pahayag ng ahensiya, base sa kanilang paunang pagsusuri, hindi totoo at walang basehan ang viral social media posts. Ayon pa sa PSA, sineseryoso nila ang mga alegasyon at agad silang nagsasagawa ng imbestigasyon. “Further investigation is being conducted in relation to the alleged data leak in the National ID system, and that measures are in place to ensure its security and integrity,” ayon pa sa PSA. Pinaalahanan na rin ng ahensiya ang publiko na huwag basta paniwalaan ang kumakalat online na mga hindi beripikadong impormasyon.

Read more...