Mula sa 3.4 porsiyento noong Pebrero, umangat sa 3.7 porsiyento ang inflation noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang mataas na halaga ng mga pagkain at non-alcoholic beverages ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng inflation rate nitong Marso.
Gayundin sa sektor ng transportasyon, restaurants at accomodations. Tumaas din ang inflation rates sa kalusugan at recreation, sport and culture.
Bumaba naman ang inflation rates sa alcoholic beverages at tobacco, 6.7 percent from 8.6 percent; housing, water, electricity, gas at ibang petrolyo.
Gayundin sa mga gamit sa bahay, maintenance sa bahay, personal care, at miscellaneous goods and services.
MOST READ
LATEST STORIES