Hindi sa Malaysia kundi sa kulungan dumiretso ang isang babaeng pasahero matapos madiskubre ang droga sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon.
Nabatid na ang babae ay kabilang sa mga pasahero ng Air Asia flight Z2503 at patungo sa Kota Kinabalum Malaysia.
Aksidente ang pagkakadiskubre ng marijuana sa security screening dahil unang nakita ang mga matatalas na bagay sa bagahe kayat kinailangan na sumailalim na ito sa manual inspection.
Nang madiskubre ang Swiss knife ang gunting, nakita ang plastic pouch na naglalaman naman ng mga pinatuyong dahon.
Kasunod nito ay nakipag-ugnayan na ang Office of Transportation Security (OTS) sa PNP – Aviation Security Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa K9 panelling kayat nakumpirma na ang mga dahon ay marijuana.