Diseases’ outbreak delikado kung kapos ang tubig – Poe

Target: Zero interruptions inihirit sa water concessionaires.(INQUIRER PHOTO)

Pinatitiyak  ni Senator Grace Poe sa water concessionaires na hindi magtutuloy-tuloy ang kanilang serbisyo dahil maaring humantong sa pagkalat ng mga sakit ang kakapusan ng tubig sa panahon ng tag-init.

“The heat is on, water is high demand, and without it, our health is at risk,” ani Poe.

Nagpaalala na aniya ang mga doktor sa mga sakit na maaring idulot ng napakataas na antas ng temperatura sabay diin na ang delikado ay hindi alam ng mga tao na delikado ang kanilang kondisyon.

“Kung walang tubig sa gripo dahil sa water interruption, ang iba sa ating walang magagamit na tubig kahit inumin,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Ayon pa kay Poe ang pag-inom ng hindi siguradong kalidad ng tubig ay maaring magdulot din ng ibat-ibang sakit.

Dapat aniya ay inilalatag na ng water concessionaires ang kanilang “supply contigency” at “augmentation plans” lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Read more...